Ni Mikaela Apollo ng 10 - Solomon Tsi•noy – salitang tumutukoy sa mga Chinese na nanirahan sa Pilipinas. Dahil dito, marami ang nagsasabing taglay nila ang pinaghalong kultura ng dalawang lahi upang makabuo ng isang mayaman at natatanging salinlahi. Bagaman ganito dapat ang tingin sa mga Tsinoy, kitang-kita sa social media ang unti-unting pagdidiskurso sa naturang salita dahil bago na ang kahulagan ng Tsinoy sa kasalukuyang konteksto.
0 Comments
Ni: Godwin Christian Paragas, 12-Martin Luther Paumanhin.
Paumanhin dahil hindi ko na maipinta sa aking isipan ang larawan ng iyong mukha. Oo, kilala pa rin kita, ngunit hindi ko na maalala ang wangis ng iyong ngiting abot-tainga. Paumanhin pagka’t nakaligtaan ko na ang ningning ng iyong mga mata. Ang angkin nitong kinang ay naglaho na kahit dati-rati ay puno ka ng sigla. Noon, nag-uumapaw ka ng ligaya. Ibinabahagi mo pa nga sa iba ang iyong saya, pero ang lahat ng ito ay naglaho na. ni Godwin Christian Paragas ng 12 Martin Luther Simula noong unang panahon, unti-unting nagbabago ang mga tao sa iba’t ibang aspeto hanggang sa kanilang nadiskubre ang iba’t ibang bagong bagay katulad ng teknolohiya o kaya naman ay mga bagong paraan ng pananalita. Ngunit kahit sa pagkahaba-habang panahon na namalagi ang sangkatauhan dito sa mundong ito, nakababahalang isipin na ni minsan ay hindi nagbago ang problema ukol sa pagrespeto sa kababaihan.
Ni Mikaela Apollo ng 10 - Solomon Ika nga nila, simula pa lamang, naririryan na ang wika. Noong unang beses na binuo ng Diyos ang kalawakan, binuo ang langit at lupa sa isa lamang Niyang salita. Ganoon din noong una tayong lumabas sa sinapupunan ng ating ina. Sa gitna ng iba't ibang uri ng ingay na ating narinig nang una tayong dumating sa mundo, isa sa mga ingay na iyon ay ang pangunahing wikang ating gagamitin panghabambuhay.
Ni: Godwin Christian Paragas, 12-Martin Luther 02/14/17
Dear diary, Sobrang tired na ako, like legit super pagod na. Ay, muntik ko nang ma-forget, it is her birthday pala today. So dami kasi the stuff na we need to do ngayon. It’s super nakaka-sad kasi ‘di ba today is parang dapat all about kasayahan? If it’s supposed to be tungkol sa happiness, bakit parang wala namang like that na nangyari? |